Linggo, Agosto 02 2009

Welcome Home... Again :)

Dumating na si papa galing ibang lupa.

Inaabangan na namin siya nung isang linggo pa.

Ang eksena bago ang araw nang kanyang pagdating...


Mama°(Θ(Y)Θ)°: Ay nak, sa lunes na uuwi si papa.

°(Θ(Y)Θ)°: Oh? Hindi siya nakahanap ng trabaho?

FYI, naterminate si papa [magandang term for nasisante, natanggal, fired] sa trabaho niya sa Abu Dhabi bilang Site Eng'. Syempre, madaming haka-haka kung bakit sila [oo, marami sila, hindi lang siya] naterminate. Pero hindi ako maniniwala--- hindi talaga--- na ang dahilan nang pagkaka-terminate niya ay isa siyang

M°(Θ(Y)Θ)°: Hindi eh. Hindi ninyo kasi siya pinag-pray. [Kita mo 'tong mama ko, nanisi pa kung bakit uuwi dito si papa. Sinisi pa niya kami LOL.]

°(Θ(Y)Θ)°: ...

no comment, dahil kahit naman anong paliwanag ko, mahirap papaniwalain si mama sa mga bagay na pinaniniwalaan ko... naalala ko tuloy yung kanta nang boyfriend-boyfriend-an kong si David Archuleta:

Many nights we pray,
With no proof anyone could here...
[When You Believe]

Tama naman siya 'di ba? Bakit mo pa sasabihing pinagdadasal mo ang isang tao, lalo kung wala ka namang pruweba? SIYA na ang gumagawa ng mga bagay na nakabubuti para sa ating lahat. May mga dasal siyang dinidinig, may mga hindi naman niya pinapansin at mas mahirap kapag dalangin ka nang dalangin tapos hindi pala siya ang dinadalanginan mo...

Ang eksena ulit bago ang araw nang kanyang pagdatin [malapit na, konting tulog na lang, Thursday [ata] nga pala etong eksenang ito.]

°(Θ(Y)Θ)°
: Tita, dadating na daw si papa sa lunes.

siya si tita... yung dungaw nang dungaw dati sa likuran ko

Tita: Sino nagsabi?

°(Θ(Y)Θ)°: Si mama.

Tita: Sabado ng gabi yun uuwi.

Sa pamilya namin, maraming tamang-hinala. Alam mo ba yun? Kasi ako, ang pagkakaintindi ko sa word na 'yun eh. Sa madaling sabi, hindi pinaniniwalaan nang isang tao kung ano yung sinabi mo o ginawa mo, may mga konklusyon pa siyang umiikot sa utak niyang mapanghinala. LOL

°(Θ(Y)Θ)°: Tamang hinala ka. Hahaha.

Tita: Hindi nga. sa sabado ng gabi 'yun o kaya linggo nang gabi.

Tip: Sa banyagang lupa na pinuntahan kasi ng ama ko, ipinagdadamot ang babae. Natatawa na lang ako sa usapan nang mga may asawa dito sa amin na 'yung kabiyak nila eh pumunta lang sa ibang bansa para magtrabaho. Kesyo tuyot na tuyot na, na kaya ipapauna/isusunod na nila 'yung mga bagahe nila kasi para hindi na hassle na para pagkasundong-pagsundo pa lang derecho na hotel/ Victoria Court/ SOGO... [pili ka na lang] dahil nga sa lugar nila,... 'yun na'yun.

Sabado nang gabi...

°(Θ(Y)Θ)°: Ma, sa'n ka pupunta?

M°(Θ(Y)Θ)°: D'yan lang ako sa patay.

May lamay kasing nagaganap sa may baranggay hall na malapit sa amin. Si Papay Wilmer sumakabling dako na.

Kaya lang...

°(Θ(Y)Θ)°: Eh, bakit ka naka-make-up?

Tanong ko sa kanya 'yun. Tapos halatang-halata na aalis siya, na hindi lang siya pupunta sa lamay. Hmmm? Anong meron sa patay bakit mukhang lalandi 'yung ina kong giliw?

Tita: Hayaan mo na. Sosyal kasi yung mga tao sa may patay, kailangan maging maayos naman yung ichura niya.

Ang lame naman ng excuse... LOL. May mga taong gusgusin ngang nakikiramay eh... Tsaka, sa lamay, hindi naman dapat choosy sa bisita. LOL

Tapos bigla akong binulungan ni tita after umalis ni mama.

Tita: Hayaan mo na, magsusundo.

ALAM NA! Hahaha.

Sa kanyang pagdating...

Ang aga-aga, ang ingay-ingay. Natutulog pa ako naririnig ko na yung boses ng tita ko. Yung tawa niyang malakas...

Narinig ko din yung boses ni papa na nakikipag-usap. Hindi pa rin talaga nagbabago, kahit umalis man siya nang kulang-kulang 10 months, ganon pa rin si papa...

°(Θ(Y)Θ)°: PAPA!

++++++

Una, ayaw pang lumabas nang magaling kong ama dahil 'nahihiya' siya dahil maaga siyang umuwi. Ang sabi pa nga niya: 'Wag niyong sasabihing dumating na ako.'

Pero hindi rin siya nakatiis, siya rin ang lumabas. Nagpainom...

Hahaha.

Si papa nga naman. Hindi pa rin talaga nagbabago. Mabarkada, galante,... tatay.

++++++

Sa pagdating ni papa, i never did see a dead end... all i saw was a new beginning. Hindi por que nadispatsa siya sa bansang iyon nang maraming dala-dalang problema, nandito naman us... patuloy magpapasaway... HAHAHA. ;P

Huwebes, Hulyo 30 2009

Huli man at magaling... HULI PA DIN!

Para sa kaalaman ng lahat, hindi naman sa nagmamagaling na ano o sa nagmamayabang ako, isa akong late-bloomer...

Ano nga ba ang late-bloomer para sa akin? Kung iaakma ang salitang ito sa panda na katulad ko, napaka-broad ng description na yan pero iisa lang ang tinutukoy... LATE ako... PALAGE.

+++++

Kung late at late lang din ang pag-uusapan, aba! Ako ang bida diyan... Nakakainis 'di ba? Ang yabang ko pa.

Ngayong nasa kolehiyo na ako, isinusumpa ko---in not-so-evil way--- ang taong gumawa ng schedule ko. Pang-umaga kasi. Nakaka... ASAR. Hindi pa naman ako morning person. Hindi nga...

Kaya ang sched ko na 7.30, pinapasukan ko ng 8.30 o di kaya, 9. Ang tigas ko! Hahaha...

+++++

Sa mga lakaran gaya ng galaan papuntang mall o kung saan mang lupalop ng Pilipinas, madalas akong nahuhuli sa napag-usapang oras, minsan pa hindi na ako nakakapunta sa napag-usapang lakad. Hindi na ako nagdadahilan kasi anong sense? Wala naman 'di ba? Hihingi lang sila nang isang pahayag na ikasisira ko pa. Eh, 'di, mas mabuting humanap ka na lang ng paraan kung paano ka makakabawi.

+++++

Prayer Meeting kasi namin kanina, naiinis ako sa sarili ko kasi ang bobo ko. Tapos ang trapik pa. Tapos yung mamang drayber gusto pa niyang punuin yung jeep niya, eh 'di inabot ako nang siyam-siyam. Sino ba namang hindi maiinis?

Pero actually, gusto ko lang na may masisisi ako para hindi ko na kailangang magpaliwanag pa, pero no choice ako. Kailangan kong magkwento... LOL

Sa pagkakaalam ko kasi 6.30 yung prayer meeting sa lokal malapit sa amin, dumating ako dun ng 6.58. Eh ang alam ko, 30 mins or more ang inilalaan para sa pag-awit at kulang-kulang 5 minuto ang panalangin.

Pero nung dumating ako doon, sirkular na! Ang sirkular ay isang patalastas o kung anomang nagaganap sa loob ng aming pagsasama sa iglesia.

Hindi na ako tumuloy. Nahiya na akong pumasok sa bahay-dalanginan nang panahong iyon. Bigla talaga akong tinamaan ng hiya. Mangiyak-ngiyak ako kasi parang pinagkanulo ako nang sarili kong pagka-late. Parang may nagsabi pa sa utak ko: 'Ayan! Ayan kasi! Sige, magpaimportante ka pa ha? Nang hindi ka na makaabot sa awitan.'

Nung bagu-bago pa kasi ako sa church ko, lagi akong late. Minsan nga hindi na ako nakakaabot ng panalangin.

Napag-alaman ko lang nang mabuti na ang pinakamahalaga sa pagdalo ng pagkakatipon ay ang iniaalay mong awit at panalangin para sa Panginoon. Syempre mahalaga ang pagdalo sa pagkakatipon, pero besides sa pagteteksto---kung saan nakakaalam kami ng mga bagong kaalaman na galing sa Biblia--- ang tanging maigaganti ko lang sa Kanya ay ang pag-aalay ko ng awit.

Nang bumalik ako at tinutungo ko na ang pintuan palabas, sinabihan ako ng isang kapatid na tumuloy na ako, tutal naman daw ngayon pa lang daw ako na-late.

Nasa isip-isip ko naman: brad, parang gusto mong mawalan ng kabuluhan ang pagdalo ko.

Kaya naman todo ang pagtanggi ko. Hindi dahil sa ayaw ko nang dumalo, ang sabi ko na lang sa ibang lokal na lang ako dadalo. Pumayag naman sila. At paiyak na ako... So true! Tumingin nga ata yung kapatid na nasa attendance table. Hindi ko alam kung napansin niyang nangingilid na yung mga luha ko na anumang oras handang pumatak. Gusto ko mang tumingala para pigilan ang pagtulo, kaya lang... ayowko. Kasi lalong mahahalata. Mababaw pa naman yun. Hayun...

MORAL LESSON:

Umalis na nang bahay lalo na kung alam mong matatrapik ka kahit na madaming pinapagawa si inang giliw.. LOL [takasan daw ba ang trabaho?]

Martes, Hulyo 28 2009

Flash bang! Flash bang!

Kilala mo ba si Lola Techie? Ang alam ko, mas sikat pa siya sa akin ngayon. :D
++++++
Inaagiw na 'tong blog ko. Ikaw ba naman maging NPA [No Permanent Address], sino bang hindi mawawalan ng ganang punta-puntahan ka? Lalo na't alam mo namang wala halos kwenta ang nakalagay dito sa site ko.
++++++
Ang magaling kong tita, yung laging padaan-daan sa likod ko kapag gumagawa ako nang entry na sumisimpleng basa sa url ko na nasa address box, HAYUN, pinapakalat niya sa mga kamag-anak namin kung ano yung blog ko!
Nahihiya na tuloy akong magpost dito... [uiii, kunyari pa!]
Ma-PR kasi si tita kong yun. Para siyang si Lola Techie. LOL! Pero hindi pa siya uugod-ugod, parehas siya ni Lola Techie na humahabol sa paglusong ng technology sa buhay niya.
Dati, pachat-chat lang siya. Hindi pa nga siya marunong pumasok sa chatroom. Ang kachat lang niya ay yung kaniyang pinakamamahal na asawa.
Pero natututo naman ang isang indibidwal lalo na kung araw-araw mong ginagamit ang isang partikular na bagay. At siya? Naku! Wala nang patay-patay kung minsan ang desktop nila, at natuto naman siya kaya lang nalaspag na ang desktop nila LOL.
Hindi naman sa tumututol ako sa pagkakaroon niya ng kaalaman sa cyberworld, kaya lang... Huhuhu...
Akala ko magkakaroon na ako nang isang lugar kung saan makakausap ko ang sarili ko nang hindi naba-bother na malaman ng mga kamag-anak ko... I mean, nakakapag-open ako ng mga topic na nakakahiya mang ituring, pero kaya ko namang unawain... Kaya lang nakakahiya lang talagang pag-usapan.
Nakakahiya kaya yun! Hindi ako sanay. Minsan nga, ang sumingit lang sa usapan nila nahihiya na ako, kaya wala akong gagawin kundi ang makinig. Kahit naman papaano may natutunan ako sa mga mumunting chismisan nila 'no? Kaya lang ang unusual para sa akin na makita nila ang saloobin ko...
Ayun... Natatawa na lang ako sa sarili ko.
+++++
Sabi ako nang sabi na hindi na ako magbblog... Hindi na nga kasi ako sabi magbblog! Ano ba!?
Ang sabi ko nakakasira ang blog sa pag-aaral pero may boses sa utak ko na kumokontra at nagsasabing nakakasira ang pag-aaral sa blogging... Ano ba?!
Nakanis naman kasi si Lola Techie...
Hahaha... Flash Bang! Flash Bang!... Madami naman kasi talagang abangers... Meron ba talagang facebook si Lola Techie? Ma-add nga siya...At ipo-poke ko siya ng ipo-poke para hindi na siya magtampo kay JR... Hahaha... Super-poke na daw siya kay JR sa facebook hindi naman nagpopokeback ang apo niya... LOL katuwa talaga ang commercial na 'yun.
Sana hindi nila masamain ang mga ipinapahayag ko sa site na ito. :)